Archive for May, 2008

havaianas conspiracy

Tuesday, May 13th, 2008

minsan napadaan kami ni misis sa ‘all flip-flops’; puro tsinelas lang ang binebenta…havaianas ang tatak. Up to ’sanlibo mahigit ang ’sang pares… at may actually mga bumibili at the time na napadaan kami.
…May freshly brewed coffee naman na masarap 18pesos lang; kelangan bang halos ’sandaan ito sa starbucks?… at may actually mga bumibili, although, yung iba bumibili lang dahil gusto lang silang makita na umiinom nito.
Ang mga ito at iba pang katulad nito ay nagsisilbing barometer lamang ng mga kapitalista sa atmosphere ng consumerismo; Kakabahan na sila kapag hindi na paghihirapan ng taong bayan makabili ng shirt na may tatak ng buwayang nakanganga.