iskul bukol

ano ba ang punto ng teacher na nagpapa-research o nagbibigay ang assignment sa mga estudyante na alam naman nya na pupunta lang ang mga bata sa internet at mag-copy-paste na karamihan sa kaniala ay ni hindi man lang binabasa ang nagawa. Meron pang iba na pinapalitan na lang ang pangalan sa ’submitted by:’ sa mga nauna nang nagawa? eh, alam pala naman nya na walang maitutulong ang pinapagawa nya sa pagkatuto(may ganito bang word?) ng estudyante- maliban sa pagkamulat ng mga bata sa kahalagahan ng walang katuturang gastusin - bakit pa rin nya ito patuloy na pina-praktis?

ano ba ang punto ng teacher at hindi na nya binabasa ang mga isi-nubmit na research work ng mga estudyante - na alam din ito ng mga bata kaya kahit anu-ano nalang ang ipinaglalalagay sa papel? eh, ipina-assignment nya bakit hindi nya basahin?

eto sagot: hindi na binabasa ng teacher ang ipinagawa dahil alam nyang hindi naman ito pinag-ukulan ang pansin ng mga gumawa. hindi pinag-ukulan ng pansin ang gumawa dahil alam naman nyang hindi ito paguukulang pansing basahin ng nagpagawa.

bakit pa nagpa-research ang teacher, in the first place? dalawa: hindi nya alam itinuturo nya o hindi nya alam magturo. o parehas

Leave a Reply